December 2010 post on Tumblr about Starbucks / Coffee Shops
Anong pumasok sa isip mo sa title ng new post kong blog? Hehehehe siyempre another blog for Starbucks.
*wink* Napaisip ako gumawa ng blog for this nung nasa terminal ako ng
MOA kanina pauwi at around 9:45 PM. Super haggard ako and may tumitingin
sa’kin na girl mula ulo hanggang paa. So sinulyapan ko siya. Napansin
ko yung Seattle’s Best niya na basong plastik na frap na ubos na pero todo sipsip parin siya kahit whip cream nalang yung natitira. Naisip ko rin siyempre Starbucks kasi mas kilala siya and mas maraming pumipiktuyr kasama yung basong plastik na may berdeng straw na to na nakaharap pa yung logo.
Hehehehe. Napansin ko lang naman, marami kayo makikita nito sa
Friendster. Pero personally, ako naman nahihiya naman ako minsan
maglakad ng may frap sa kamay kasi feeling ko iniisip sa’kin ng mga tao,
“ang yabang naman nito”. Ewan hindi ko alam, iba iba naman pananaw ng mga tumitingin, pati tong blog ko, alam ko may a-agree at may di-disagree
dito. Naiinis lang ako minsan pag may nakikita akong naglalakad na may
basong plastik kahit ubos na eh hinahawakan parin. Sige gayahin nalang
natin mga celebrity sa ibang bansa. Hahahaha. Anyway,
Tulad nung nasabi kong babae kanina na nakatabi ko pa sa loob ng van!
Hanggang sa loob ng van todo sipsip parin siya kahit wala na siyang
masipsip, hinaharap pa niya sa’kin yung logo ng Seattle’s Best!
Uminom ka nalang ng ganitong klaseng kape kapag nagc-crave ka or pang
tanggal stress or pang pleasure or pang punta ng coffee house to meet
some friends and makipag chikahan hindi yung para lang ipagyabang kasi
po maraming tao ang hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.
Minsan nga nakakakonsensiya pang bumili (para sa’kin). Hindi ako against
sa Starbucks or other coffee houses, ang sarap nga eh! Nakakaadik kahit
sumasakit batok ko kakainom, sige parin! Ayun lang, nawawala na kasi
yung sense na pang relax lang na dapat ma-achive ng mga coffee houses
for customers. Sobrang benta ng mga coffee houses ngayon kasi maraming
nas-stress, soothing relief pa nga ito kung minsan. Ang sarap rin gumawa
ng project dito or mag review kasama laptop mo. Minsan masarap lang
umupo habang iniikot ikot mo yung berdeng straw hanggang mapunta sa ilalim yung whip cream na nakatulala ka lang. Thank you Starbucks at iba pang coffee houses. Nakakaginhawa kayo ng pakiramdam. ♥
Erin, told me that my post was trending in a forum. Wow I didn't know that! Thank you for telling me! Thanks people! <3
No comments:
Post a Comment
Thanks for reading my blog. I really appreciate it! <3