I know it's too late pero gusto ko i-share yung happenings nung nagpunta ako sa Japan last year. It's a dream come true! Since I was a kiddo, pangarap ko na talaga magpunta ng Japan and sabi ko pa nun gusto ko mag work dun kasi malaki yung palit to peso. Di ba? Hehe! Pero promise mamumulubi kayo sa Japan kaya thanks to Kiyota family na nag sponsor sakin. I owe a lot to my Aunt's family!
At NAIA airport alone, my Mum was too excited and nag-aalala siya kasi mag-isa lang ako pero kaya ko naman and hindi narin ako takot sa plane. Yun nga lang the plane was too big for us na konti lang yung passengers. Mostly Japanese pa and sa dulo pa ako, mga nasa number 70 plus pa yung seat ko. So nag runway muna ako sa plane. :)
I always bring this rosary wherever I go, bigay siya sakin ni Lola galing pa siya sa Aunt ko na madre sa Cebu. It has a good scent too! Ayun, 4 hours lang ako nakatingin sa window, tumitingin sa clouds and minsan lang tumingin sa baba kasi takot ako sa dagat, hahahaha! Nakakainis lang kasi nag play yung Alice in Wonderland sa monitor tapos hapon naman yung language. Hahaha! Minsan nagra-radio nalang ako. Pinilit ko mag sleep pero ayaw eh. Siguro, too much of excitement. :)
Oh so cute clouds! Grabe nung nakikita ko na kapatagan ng Japan, nagssmile ako mag isa and non-stop thank you's kay God!
Alam mo yung sobrang hunger ka na tapos ganito lang yung pagkain? Sorry I'm not a fan of noodles except Nissin and Lucky Me!
When I arrived at the airport, the employees talked to me in Japanese, wala akong ibang sinasagot kundi "wakaranai" which means, "I don't understand". Then a girl infront of me translated something to me in English kasi pabalik-balik na ata siya sa Japan for business. She was from France ata, I'm very grateful to have her. Sobrang daming chever bago ko makalabas ng Nagoya Airport. Pinicturan pa ko, kinalkal gamit ko, etc.
Nung nakalabas nako, andun agad si Tita joy and family. Naluha luha pa Tita ko paglabas ko kasi ang tagal ko daw. Kala nila may problema hahaha. Galing pa siya ng China kaya sabay kami sinundo nung Tito ko. Ayun, tipid. :) Hay, I'm missing the days with them!
Shy type pa ako magpa-picture hahaha! This was in Nagoya Airport, sabi ko sa Tita ko, "bakit ang tahimik? anong meron?" Yun pala, natural lang yun dun sa kanila. Tinitignan ko yung mga sahig nila sobrang linis and walang trash. Tapos bumili kami ng mga drinks sa vendo, ayun cute na cute ako kasi ang liliit pero ang mamahal pag kinonvert mo to peso pero sa kanila wala nalang. :)
What a smile from me right? LOL! Siguro di ko pa ma-absorb na nasa Japan na talaga ako niyan hahaha. That's my Tito and lovely cousin, Juri!
Juri! Aitai yo! I miss bathing, sleeping and eating with you! This girl is so precious. Ang bait niya and responsible. Her eyes are irresistible!
The bus drivers in Japan are magalang, mabait and professional. Look at their uniforms, so neat and sleek! At may gloves pa si Koya! Oha!
I was fond of taking pictures sa mga cars kasi ang gaganda and para ma-share kay Kev. The plate numbers are so cute to look at!
Sa sobrang gutom ko naka tatlong balik ata ako ng beef curry! Thanks Tito Kiyota for cooking this! One of my favorite foods! I miss cooking this!
The no make up ladies hahaha! I love you Tita Joy and I miss you! :)
Cute lang nila manuod ng TV, hahaha! Stand by for more stories sa mga nangyari sakin sa Japan. :) Hindi ako nakatulog agad nung first day sa chikahan namin ng Tita ko kasi madaldal yun tska masaya kausap. :D Tsaka inaabsorb ko pa nun yung bahay nilang sobrang cute kasi mahilig ako sa kahoy kahoy na house. :) Thanks for reading lovies!
Always and Forever,
Bella
No comments:
Post a Comment
Thanks for reading my blog. I really appreciate it! <3