I know it's cliche to say that I am doing the #BalikAlindogProject pero I am proud of it! I rarely take pictures while doing workouts at 360 Fitness na ni-refer sakin ni Rovie last year pa. :) Actually I started nung andun pa sya. Nag try ako for a month and na enjoy ko sya ng sobra pero nung nag stop ako ng 1 month lalo nadagdagan weight ko dahil lalo ako lumakas kumain and especially coffee. I have so much stress in life na minsan ayaw ko isipin pero laging nakadikit sayo at hindi mo talaga maiwasan na andiyan talaga umaaligid ang stress. I know some people will get me. That feeling when you wake up in the morning at lahat ng bagay ay parang puro negative vibes at hindi yun nakakatuwa so ngayon pinilipit ko talagang maging masayahing tao tulad ng dati. :) I am a kind of girl na super strong lalo na emotionally pero minsan talaga may day na parang "SHEYT AYOKO NA" pero yung utak ko laging may humahampas na "AKO PA!" kaya naman masayang masaya ako pag nakaka-raos ako na okay ako matapos ang araw. :) Well ngayon lang naman ako ganito dahil dati hindi naman so wag ka o kayo matakot sakin dahil hindi naman ako toxic na tao. Hahahaha!
So ayuuuuuuunnnnn! If you are feeling what I am feeeehhliiihhnnnnggg! I-workout mo yan ng bonggakels tulad ng ginagawa ko ngayon, halos everyday ako nagtutunaw ng mga taba at currently medyo light muna yung ginagawa ko like 1 class muna pero kahapon nag start na ako mag 2 classes in a night which is madalas na 2 hours na tuloy tuloy. Minsan lang rin ako mag circuit training dahil love na love kong mag Body Balance, and Body Jam pero ngayon gustong gusto ko na rin ang Body Combat! Yay! If you want to understand what I am saying, please check this link. :) I am praying that my body will get back into shape before my 25th birthday which is on 22nd of August well sana talaga mangyari dahil pilit ko talagang sinisingit mag workout dahil sa sched ko. :)
I am doing this dahil sa nakikita ko sa katawan ko, parang galit na siya sakin kasi parang pinapabayaan ko na siya kaya ngayon bumabawi ako ng bonnga. And for those who want to workout rin, this is not a joke na para may pang Insta photo ka lang na pawis na pawis. Mahirap ah! :)) Don't think rin na you workout para mapansin ng mga ka opposite sex mo but workout because you love yourself and you want to be fit and healthy habang tumatanda. :)
For me, mahirap talaga dahil SOBRANG HIRAP umiwas sa fast food lalo na pag shoots and pag meetings puro din coffee lalo na sa taong tulad ko na madaling araw gumagawa ng work at halos 4am na natutulog. Pati face ko nag su-suffer from my stress and puyat dahil sobrang dami ko ring pimples at sana yung pag wo-workout ko ay makatulong mawala ito. :) If my budget will be good to me, I will try yung mga food na healthy tapos ide-deliver nalang dahil medyo conscious rin ako minsan pag nakikita kong mataas ang calories ng mga kinakain ko ngayon. Para bang sayang yung pagod ko sa pag wo-workout tapos ikakain ko lang ng hindi healthy. HUHUHUHU!
Last but not the least, It's so sad na mas payat pa ako after nanganak HUHU! At at at ang hirap manamit sobraaaaaaaaaaaaaaaaa! If you want to try the best classes sa isang gym, why not try 360 Fitness Club? Super affordable, ang babait ng coaches and super enjoy talaga! I Swear! :) This is not a sponsored post I just want to brag about them! :D
For those naman na naiinis dahil pwede namang mag workout nalang sa bahay at hindi na gumastos pa sa gym, well para sa akin kasi kapag ako lang ang nagwo-workout madali akong sumuko eh kapag marami ka namang kasama mahihiya siyempre huminto. Di ba? :)
How about you saan mo mas gusto mag workout? :p
No comments:
Post a Comment
Thanks for reading my blog. I really appreciate it! <3